Pinamo – monitor ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang nasa labing apat na libong (14,000) mga pulis na nabakunahan ng dengvaxia vaccine.
Ayon kay Dela Rosa, kanya nang inatasan si Director for Health Service Dr. Edward Carranza na bantayan ang kalagayan ng mga nasabing pulis sa mga posibleng mangyari matapos maturukan ng dengvaxia.
Una rito, inihayag ni PNP General Hospital Chief Dr. Reimound Sales na nasa 14,000 mga pulis sa buong bansa ang nabakunahan ng dengvaxia simula noong Setyembre hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Dagdag ni Sales, nakipag – pulong na din sila sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) matapos lumabas ang bagong pag – aaral ng manufacturer ng dengavaxia na Sanofi Pasteur.
Gayunman tiniyak ni Sales na nasa mabuting kondisyon ang mga pulis na nabakunahan.
(Ulat ni Patrol 31 Jonathan Andal)
PNP: 14,000 cops nationwide were injected with Dengvaxia @dwiz882 pic.twitter.com/RNEFUxPXMd
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) December 14, 2017