Nakapagtala ng 143 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon.
Gayunman, sinabi ni PHIVOLCS director Renato Solidum, karamihan sa mga ito ay hindi na naramdaman.
Pinakamalakas naman aniya sa mga nasabing aftershocks ang magnitude 5.6 na naramdaman sa Davao Oriental ala singko trese ng hapon, kahapon.
Ipinaliwanag naman ni Solidum na ang naramdamang malakas na lindol sa Davao Oriental ay bunsod ng pababang paggalaw ng tail-end ng Philippine Trench.