Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa PhilHealth na ipagpatuloy ang 144 day dialysis coverage para sa lahat ng pasyente sa gitna ng state emergency dahil sa COVID-19.
Ayon kay Hontiveros, batay sa sinabi ni advocacy group dialysis PH President Rey Abacan Jr., nasa 12k hanggang 15k ang dialysis sessions kada linggo pero sa mga COVID-19 patient umaabot ito sa P30K kada linggo.
Giit ng Senadora, paano pa mababayaran ang pagpapagamot kung ganito kamahal at nawalan pa ng trabaho o hindi makapagtrabaho dahil sa sakit.
Ayon kay Hontiveros ,magandang development na may modular hemodialysis facility para sa COVID-19 positive patients sa NKTI pero hindi anya ito sapat para maibsan ang mahirap na sitwasyon at mabigat na gastusin ng ibang dialysis patients na hindi na makapag trabaho o kaya ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic.
Kaugnay nito, sinabi ni Hontiveros na dapat i-upgrade ng philhealth ang benefit package nito mula sa 90 free dialysis sessions at gawin itong 144 free dialysis session.