Nasabat ng Bulacan PNP ang P144,000 na halaga ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa limang araw na pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) nito ayon kay Malalos Camp General Alejo Santos.
Kinilala ang mga suspek na sina Gerardo Padawan at Minerva Tamayo kapwa residente ng Sto. Rosario sa Malolos gayundin sina Fidel Cayco, Monte Carlo Remolano, Ric Orjaleza; Michael Avien Dela Cruz at Mark Aaron interior na mga kapwa nahuli sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Balagtas, Marilao at Pandi Municipal Police Station.
Nasamsam sa mga suspek ang 11 sachet at isang brick ng pinatuyong dahon ng Marijuana na humigit-kumulang 1,000 at dalawang gramo na may tinatayang nagkakahalaga ng P144,000.
Samantala inihahanda na ang mga kaukulang kasong kriminal laban sa mga naarestong suspek.