Lumikas ang 145 pamilya matapos ang muling pag-alburoto ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Arian Aguallo, Information officer ng Juban Municipal DRRM Office, ang nasabing bilang ng mga lumikas ay katumbas ng 469 na indibidwal mula sa Barangay Puting Sapa bunsod ng pagsabog ng Mt. Bulusan.
Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan sa Bayan ng Juban Evacuation Center at Tughan Evacuation Center ang mga lumikas na residente.
Samantala, sa naging pahayag ni Sorsogon Governor Senator-elect Francis ‘Chiz’ Escudero, pumalo na sa 2,877 pamilya o 11,374 personalidad ang naapektuhan ng ashfall sa Bayan ng Juban kabilang na diyan ang Casiguran, Magallanes, Castilla, Pilar at Sorsogon City sa Sorsogon Province.
Bukod pa sa nasabing mga lugar, apektado din ng phreatic eruption at ashfall ang Brgy. Añog, Puting Sapa, Bacolod, Buraburan, Catanusan, Calateo, Aroroy, at Rangas.