Kinastigo ni Senador Richard Gordon ang ilang Senador na sa tingin niya’y nagkukunwari lamang na sumusuporta sa administrasyon.
Tinukoy ni Gordon ang mga Senador na sina Franklin Drilon, Leila de Lima, Bam Aquino, at Francis Pangilinan na pawang kabilang sa Senate Majority Bloc.
Sinabi ni Gordon na dapat silang umalis sa Majority Bloc.
Sa halip, umanib na lamang, aniya, sila sa madalas nilang panigan na sina Senador Antonio Trillanes at Senador Ralph Recto na kapwa nasa minorya.
By: Avee Devierte