146 ang nasawi habang 150 ang sugatan sa naganap na stampede matapos maggunita ng halloween party sa Seoul, South Korea.
Ito ang kauna-unahang halloween event sa loob ng 3 taon matapos alisin sa bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19 virus .
Inilarawan ng ilang mga witness na ang karamihan ay naging magulo at nabalisa habang lumalalim ang gabi sa ganap na dakong alas -10.
Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang mga sugatan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring insidente sa naturang lugar. - sa panunulat ni Jenn Patrolla