Iginiit ng grupong Gabriela ang pagpapaalis sa puwersa ng Amerika dito sa Pilipinas, isang araw bago ang inagurasyon ni US President – Elect Donald Trump.
Ito ay sa kanilang pagtitipon – tipon sa panulukan ng TM Kalaw at Taft Avenue umaga ng Biyernes, Enero 20.
Sinabi ni Arlene Brosas, kinatawan ng Gabriela na hindi makakatulong sa Pilipinas ang pag – upo ni Trump lalo na at isusulong lang nito ang kanyang pansariling interes.
Bahagi ng pahayag ni Arlene Brosas, kinatawan ng Gabriela.
By: Katrina Valle / Aya Yupangco