Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 147 karagdagang kaso ng omicron subvariant sa bansa.
Batay sa pinakahuling sequencing result ng DOH noong August 24, nasa 139 cases ng BA.5 subvariant ang naiulat.
Sa nasabing bilang, 45 ang mula sa Davao Region, 37 sa CALABARZON, 17 sa SOCCSKSARGEN, 13 sa Bicol Region, 6 sa Ilocos Region, 5 sa National Capital Region.
Tatlo naman sa Central Luzon at Central Visayas, dalawa sa Cagayan Valley at BARMM at isa sa Western Visayas, Eastern Visayas at Northern Mindanao.
Apat naman na karagdagang kaso ng ba.4 subvariant ang naitala ng DOH na kung saan tatlo ang mula sa Bicol Region, dalawa sa SOCCSKSARGEN at isa sa Davao Region.
Habang isa ang nagpositibo sa ba.2.12.1 subvariant na mula sa Ilocos Region.