Kasalukuyan nang nagpapatupad ng 147 water projects ang pamahalaan bilang paghahanda laban sa El Niño phenomenon.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mayroon nang unang walong nakumpletong water supply projects, kabilang na rito ang Balbalungao Reservoir Irrigation Project sa Lupao, Nueva Ecija.
Aniya, kailangang maghanda sa epekto ng tagtuyot na aniya’y maaaring magtagal hanggang sa ikalawang bahagi ng taong 2024.
Dahil dito, mahalaga aniyang matiyak kapwa ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration na agad na matapos ang konstruksyon ng mga water projects, kasama na rito ang iba’t-ibang irrigation at water projects sa gitna ng inaasahang pagtama ng El Niño. - sa panulat ni Jeraline Doinog