Iginiit ng isang mambabatas na dapat bumuo ang gobyerno ng task force na tututok sa kaso ng mga Overseas Filipino Worker sa ibang bansa.
Sinabi ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na sa pamamagitan ng “Task Force OFW”, magbibigyan ng legal assistance ang mga pinoy worker na nasa death row.
Binigyang-diin ni Biazon na magagawa lamang ito sa tulong ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs para mabawasan ang suliranin sa pagbibitay sa mga OFW.
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc