Hinimok ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang pamahalaan na bigyan din ng 14th month pay ang lahat ng mga empleyado sa pampublikong sektor.
Kasunod ito ng inihaing panukala ni Senate President Vicente Sotto III na obligahin ang mga private companies na bigyan ng 14th month ang kanilang mga empleyado.
Ayon kay Salo, dapat ay ibinibigay sa lahat ng klase ng mga manggagawa sa bansa ang ganitong klase ng benepisyo maging pribado o government employees man.
Gayundin, aniya sa mga regular, contractual, casual o job order na manggagawa ng pamahalaan mula national hanggang lokal.
Inirekomenda rin ni Salo na maibigay ang 14th month pay sa lahat ng mga mangagagawa sa buwan ng nobyembre para may panggastos sa pasko.
(With report from Jill Resontoc)