Isinulong ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang panukalang batas kaugnay sa pagkakaloob ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor sa pagbubukas ng 18th Congress.
Kabilang na dito ang lahat ng non-government rank and file employees na mayroon nang isang buwan sa trabaho.
Batay sa Senate Bill no. 10, anomang employment status ng isang kawani ay dapat pa ring makatanggap ng naturang benepisyo.
Bukod dito, nakasaad din na hindi dapat bababa sa isang buwang sahod ng empleyado ang 14th month pay.
Ayon kay Sotto hindi na sapat ang 13th month pay dahil sa dami ng gastusin tuwing pasko kaya dapat aniyang dagdagan ang kita ng mga empleyedo sa kalagitnaan ng taon.