Nagsimula na ang konsultasyon ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa panukalang 14th month pay para sa mga empleyado ng pribadong sektor.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, partikular na inaalam nila ang magiging epekto ng panukala sa negosyo at ekonomiya ng bansa.
Ang 14th month pay bill ay nakabinbin pa sa Senado mula noong July 16 subalit nabuhay ito dahil sa mataas na inflation rate.
Sinabi ni Bello na alam nilang malaking tulong ito para sa mga manggagawa subalit kailangan rin nilang ikunsidera ang marami pang bagay bago ito sang-ayunan.
(Balitang Todong Lakas Interview)