Wala ng buhay nang matagpuan ang isang dalagitang siklista na unang napaulat na nawawala sa Lalawigan ng Bulacan.
Kinilala ang biktimang si Princess Marie Dumantay, 15- anyos na narekober sa isang madamong lugar sa Bypass Road sa Barangay Bonga Menor, Bustos.
Natagpuan si Princess na nakadapa, may mga pasa, mga pasó ng sigarilyo at suot ang puting T-shirt na may chinese characters, itim na short, puting medyas at pares ng rubber shoes.
Ayon kay Rolando Dumantay, Agosto a – 9 nang hindi na umuwi sa bahay ang kanyang anak.
Nagpasya naman ang pamilya ng biktima na iuwi ang labi ni Princess sa kanilang bahay sa Navotas City.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bulacan Provincial Police Office upang matukoy kung sino ang mga posibleng nasa likod ng krimen.