Nagbalik loob na sa pamahalaan ang may 15 miyembro ng Abu Sayyaf Group partikular na ang mga tauhan ni ASG leader Radullan Sahiron.
Ayon kay 101st Infantry Brigade Commander Col. Antonio Bautista, sumuko ang nasabing mga bandido sa kanilang tanggapan sa Sitio Bayug, Brgy. Samak sa bayan ng Talipao.
Kasamang isinuko ng mga bandido ang kanilang mga armas kabilang na ang 14 na matataas na kalibre ng baril.
Isinailalim sa custodial debriefing at medical check-up sa kampo militar sa sulu ang mga sumukong bandido kung saan, makakukuha rin ito ng benepisyo mula sa pamahalaan.