Inanunsyo ng mga opisyal sa lalawigan ng Pangasinan na kumpirmadong nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 15 mula sa 60 mga baboy na ipinasok sa kanilang lugar, galing sa Bulacan.
Ayon sa Pangasinan Local Government Unit (LGU), ginawa nila ang pag-anunsyo batay narin sa samples na nakuha nila sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos.
Sinabi ni Pangasinan Governor Amado Espino III, na nakalusot sa kanilang lalawigan ang mga naturang baboy matapos na iwasan ng mga nagdedeliver nito ang mga lugar kung saan naroroon ang inilatag nilang quarantine checkpoint .
Idineklara namang ground zero ng ASF ang Barangay Baloling sa Mapandan dahil dito ibinagsak ang malaking bilang ng mga baboy na may sakit na ASF.
Dahil dito, sasampahan ng kaukulang kaso ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang ilang magba-baboy ayon sa otoridad, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa magba-baboy doon.
Samantala, agad namang nagpatupad ng mga hakbangin ang lalawigan kabilang na ang pagsasagawa ng culling o pagpatay sa mga baboy na may sakit na ASF.