Nagkasundo ang finance ministers ng 15 bansa na miyembro ng UN Security Council na magpasa ng resolusyon na layong gutumin sa pondo ang Islamic State.
Ayon sa ulat, desidido ang UN Security Council na maharang at putulin ang daloy ng pondo patungong IS upang tuluyang humina ang puwersa ng naturang teroristang grupo.
Sinasabing ang Islamic State ang pinakamayamang grupo sa buong mundo kung saan ang buwanang kita nito ay aabot sa 80 milyong pisong dolyar.
Kanila itong nalilikom sa pamamagitan ng pag-i-smuggle ng langis at mga antique na gamit mula sa mga lumang sibilisasyon.
By Ralph Obina
Photo Credit: Mike Segar / Reuters