Isang barangay na lang sa Parañaque City ang may problema sa iligal na droga.
Ito ay matapos ideklara ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang 15 barangay sa lungsod na drug-cleared na.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, malaki ang naitulong ng PADAC Holding Center at Bahay Silangan sa mga indibidwal na naliligaw ng landas.
Umaasa naman ang alkalde na magiging 100% drug clear na ang lungsod bago matapos ang 2022.
Batay sa Board Regulation Number 3 ng Dangerous Drugs Board, maituturing na drug cleared ang isang barangay kung wala nang anumang insidente ng Illegal drug activities, laboratoryo, warehouse, suplay ng droga at drug pushers at users.