Pinalaya na ang 15 crew members ng isang chemical tanker kung saan kabilang ang ilang Pilipino matapos dukutin sa Gulf of Guinea, isang buwan na ang nakakalipas.
Ayon ito mismo sa De Poli Tankers, Dutch Owner ng nasabing tanker, na nagsabing natutuwa sila dahil sabay-sabay na pinalaya nitong ika-11 ng Marso ang lahat ng 15 officers at crew members ng barko nitong Davide B.
Tiniyak ng Dutch owners na ligtas at maaari nang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya sa Eastern Europe at Pilipinas at magsimulang makarekober sa karanasan nila ang mga seafarers.
Ang Maltese-registered chemical tanker ay naglalayag patungong Lagos sa Nigeria mula sa Riga, Latvia nang atakihin ito ng mga pirata at hinostage na ang crew nito.
Ayon sa International Maritime Bureau, mahigit 95% ng lahat ng maritime kidnappings noong isang taon ay nangyari sa Gulf of Guinea.