Dinagdagan na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga hinihingi nitong rekesitos bago bigyan ng student’s permit licence ang isang indibidwal.
Ito’y bilang tugon na rin ng LTO sa dumaraming motoristang lumalabag sa iba’t-ibang batas trapiko.
Simula sa Abril, kailangan nang sumalang ng isang aplikante ng driver’s license na sumailalim sa 15 oras na training sa pagmamaneho.
Magtatayo ang LTO ng driving schools na mas abot-kaya para sa mga aplikante upang mabigyan ito ng karampatang pagsasanay hinggil sa tamang pagmamaneho sa kalsada.
Batay sa datos ng MMDA, aabot sa 12,000 mga motorista ang lumalabag sa mga batas trapiko.