Arestado ang 15 dayuhan matapos umanong mahuli habang nagsasagawa ng “pot session” sa isang KTV bar sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Investigation Anti-illegal Drug Sheriff Office, sinalakay ng kanilang mga operatiba ang plaza 66 KTV bar kung saan nadakip ang mga Singapore at Hong Kong nationals.
Bukod sa mga dayuhan, kabilang din sa mga inaresto ang ilang guest relation officers o gros.
Sinasabing ang mga suspek ay naaktuhan ng mga awtoridad habang gumagamit ng mga hinihinalang party drug at cocaine sa mga VIP room ng naturang bahay-aliwan.
By: Jelbert Perdez