Nagpositibo sa COVID-19 ang 15 fully vaccinated na turistang dayuhan na bumisita sa Tubataha Reef, Palawan.
Ayon sa Department of Health (DOH), 13 sa mga ito ay asymptomatic habang 2 ang nagpakita ng sintomas mula Abril 27 hanggang 28.
Nananatili sa isolation sa Palawan ang 14 na dayuhan habang naka-admit sa ospital ang isa.
Bagaman hindi pa matukoy kung bagong variant ng COVID-19 ang tumama sa kanila, tiniyak ng DOH na agarang ipadadala sa Philippine Genome Center ang samples ng 15.
Noong Abril 27, na-detect ng DOH sa Pilipinas ang unang kaso ng Omicron sub-variant na BA.2.12.
Mula ito sa 52 anyos na babae sa Baguio City na dumating mula Finland.