Nakabalik na sa bansa ang 15 Pilipino galing sa Bahrain nitong nakalipas na Setyembre a-29, taong kasalukuyan.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Manama, binubuo ang mga Filipino repatriates ng isang dating detainee, dalawang minor at OFW’s na walang hawak na mga dokumento.
Sinagot ng Philippine Embassy ang lahat ng gastusin ng mga kababayan nating umuwi ng bansa sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals Fund ng Foreign Affairs Department.
Agad naman silang inasistehan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pagdating nila ng Pilipinas para sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga lugar.