Nasawi ang 15 katao kabilang na ang 9 na sundalo matapos ang pag-atake ng mga militanteng grupo sa Burkina Faso, West Africa.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang grupo ng mga militar ang sinalakay ng mga Jihadist Group na ikinasugat ng mahigit 20 pang indibidwal.
Ayon sa mga otoridad, ang naturang pag-atake ay ang pinakabagong serye ng karahasan sa kanilang lugar na nag-uugnay umano sa mga militante at Islamic State Group.
Nabatid na ang nabanggit na mga grupo ay pumatay narin ng libo-libong katao na ikinalikas naman ng mahigit 2M katao sa lugar.