Sumuko sa mga awtoridad ang nasa 15 indibidwal na sangkot sa iligal na droga sa bahagi ng Bauko, Mountain Province.
Sa pahayag ng Bauko Municipal Police Station (MPS), boluntaryong sumuko ang mga drug personalities kasabay ng paglulunsad ng programang may temang “sagip kapatid, kasangga sa pagbabago.”
Nabatid na dinaluhan ng mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADA) maging ang mga kamag-anak ng mga sumuko.
Sakop sa naganap na programa ang panunumpa o pangako ng mga sumuko na hindi na gagamit pa ng iligal na droga at patuloy na susuportahan ang ibat-ibang programa ng Pamahalaan para puksain ang katiwalian, krimen at mga sangkot sa iligal na droga. —sa panulat ni Angelica Doctolero