Nagpositibo din sa COVID-19 ang 15 pang indibidwal matapos makasalamuha ng babaeng nagpositibo sa COVID-19 na galing ibang bansa pero hindi sumunod sa mandatory quarantine sa Berjaya Makati Hotel.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, umamin na ang naturang indibidwal na siya ay lumabag sa quarantine protocols ng hotel matapos magsumbong ang maraming indibidwal kaugnay sa pag-gagala nito sa lugar.
Ayon sa ilang nagreport, lumabas ang naturang indibidwal para makipagkita sa mga kaibigan nito sa isang party at kalauna’y nagpositibo sa COVID-19.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa ulat na pinayagang lumabas ang isang indibidwal sa tinutuluyan nitong hotel kahit hindi pa tapos ang quarantine period.
Hinihingan narin ng paliwanag ang hotel maging ang violator na ngayon ay naka-quarantine na. —sa panulat ni Angelica Doctolero