Nailigtas ang 15 katao habang patuloy pang pinaghahanap ang iba pa matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa southeast Nigeria kahapon, Sabado.
Ayon sa local media, tinatayang nasa 85 na indibidwal ang sumakay sa bangka sa Onukwu Bridge patungo sa Nkwo Market sa Ogbakuba bago naganap ang aksidente.
Ayon sa otoridad posibleng dahil na-overload ang Bangka kaya’t naganap ang aksidente sa Niger River malapit sa Umunnankwo sa Anambra State.
Over-loading, speeding, poor maintenance at hindi pagsunod sa traffic rules ang karaniwang pinag-uugatan ng mga aksidente sa nasabing bansa.
Wala namang naitalang namatay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon