Arestado ang 15 indibidwal matapos magnakaw ng cable wire sa isang telephone company sa Quezon City.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), isang nag-ngangalang Ricky Codillan na nagtatatrabaho bilang driver sa isang rent-a-truck services ang tumestigo laban sa mga suspek.
Ayon ay Codillan, planong arkilahin ng mga suspek ang kanilang sasakyan para magdeliver ng mga copper cables mula Novaliches, Quezon City patungong Nueva Ecija.
Nang makarating sa lugar na kanilang pagkikitaan, dito na nakakutob si Codillan dahil sa ilegal na pagkakatanggal ng mga naturang wire dahilan kaya agad niya itong isinumbong sa 911.
Mabilis namang rumesponde ang mga Pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang Mitsubishi Super Great 10 wheeler wing van, isang lagare at mga piraso ng cable wires na nagkakahalaga ng mahigit P1.471-M.
Nahaharap ngayon sa kasong pagnanakaw ang mga inarestong suspek.