Inatake ng mga pirata ang isang Turkish cargo ship sa West Africa.
Ayon sa Maritime Directorate, pinaslang ng mga salarin ang engineer na si Farman Ismayilov habang dinukot ang l15iba pang crew ng barko.
Sa imbestigasyon, naglalayag mula Lagos patungong Cape Town ang cargo ship nang lusubin ito ng mga pirata.
Plano naman ng Turkish military na magsagawa ng rescue operation upang masagip ang mga biktima.