Inaresto ng Malaysian Police ang anim na Pinoy at siyam pang dayuhan dahil sa pagpupuslit ng armas at pagpaplano ng pag-atake.
Ayon kay National Police Chief Mohamad Fuzi Harun, kasama ring dinakip ng mga awtoridad ang anim na Malaysian , isang Bangladeshi at mag-asawang mula sa North African country.
Lumalabas na dawit ang naturang mga Pinoy sa isang militant cell na nangongolekta ng mga armas para sa mga teroristang lalahok sana sa pag-atake sa Marawi City noong nakaraang taon.
Samantala, isa naman sa mga naarestong Malaysian ang 17-anyos na estudyante na hinihinalang miyembro ng Islamic State ang natuklasang gumagawa ng mga pampasabog na gagamitin umano para bombahin ang mga matataong lugar sa Kuala Lumpur.
—-