Patay ang 15 katao habang sugatan naman ang 24 na iba pa sa pamamaril na naganap sa loob ng isang paaralan sa Russia.
Ayon sa Russian Investigative Committee, kabilang sa nasawi ang 11 bata, dalawang guro at dalawang security guard.
Pinagbabaril ito ng suspek na may disenyong Swastika sa damit sa nagbaril din ng sarili matapos ang krimen.
Dinala naman sa ospital ang mga nasugatan na nasa maayos nang kalagayan ngayon.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, dating mag-aaral sa paaralan ang suspek.
Ang swastika ay simbolo ng Nazi Germany na responsable sa pagpatay sa anim na milyong hudyo noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Mariin namang kinondena ni Russian President Vladimir Putin ang pagpatay.