Patay ang 15 katao habang isandaan naman ang isinugod sa ospital matapos kumain ng kontaminadong pagkain na nagtataglay ng nakamamatay na pesticide sa India.
Ayon sa mga pulisya, lumabas sa resulta ng laboratory test na mayroong taglay na nakalalasong pesticide ang tomato rice na kinain ng mga biktima na binendisyunan pa sa isang Hindu temple.
Matatandaang una ng iminungkahi ng United Nations (UN) agency na ipagbawal na ang naturang pesticide na naging dahilan din ng pagkasawi ng mahigit 20 estudyante noong taong 2013, isa sa pinakamalaking trahedya ng pagkalason sa India.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya kung paano nahaluan ng nakalalasong kemikal ang naturang pagkain.