15 katao ang patay habang 400 pa ang nawawala matapos ang nangyaring malaking sunog sa Bangladesh.
Ayon kay UNCHR’S Johannes Van Der Klaauw, halos 40,000 kabahayan ang nasunog sa Balukhali camp malapit sa Southeastern Cox’s Bazar.
Dagdag pa ng ilang opisyal ng Bangladesh, mayroong naitalang 500 katao ang nasugatan habang 45 ang inilikas sa nangyaring sunog.
Bukod dito, maraming pamilya pa ang hinahanap pa rin ang mga labi ng kanilang kaanak na nasawi sa insidente.
Kasama rin sa nasunog ay ang dalawang malaking ospital ng international Organization for Migration o IOM at Turkish government.
Samantala, inaalam pa nila kung saan nagmula ang naturang sunog na pumuksa sa ilang kabahayan at pumatay sa ilang indibidwal sa lugar.— sa panulat ni Rashid Locsin