Patay ang labing lima (15) katao nang mag-overshoot ang isang military cargo plane na bumagsak at nasunog bago lumapag malapit sa Tehran sa Iran.
Ayon sa state TV, tanging ang flight engineer lamang ang naka-survive sa nasabing insidente kung saan bitbit din ng eroplano ang maraming karne mula sa Bishkek sa Kyrgyzstan nang mag-emergency landing sa Fath Airport sa Alborz Province.
Ayon kay Spokesman Amir Taghikhani, sakay ng military plane ang labing anim (16) katao, 14 ay army crew at 2 ay sibilyan.
Nag-exit aniya sa runway ang nasabing eroplano bago lumapag at nasunog nang banggain ang pader ang dulo ng runway.
—-