Aabot sa 15 katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa 40 ang sugatan sa naganap na stampede sa Morocco.
Nangyari ang insidente sa Sidi Boula-alam sa Essaouira Province habang namamahagi ng tulong ang isang pribadong charity group.
Ayon sa isang residente, taon-taon ay may namamahagi ng tulong partikular para sa pagkain ng mga residente sa naturang lugar.
Ngunit ngayong taon aniya ay lalong dumami ang mga taong nag-abang sa naturang charity event.
Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente.
—-