Labing limang (15) katao ang nasawi habang halos 50 iba pa ang sugatan sa pag atake ng isang suicide bomber sa isang palengke sa Nigeria.
Ayon sa ulat ng National Emergency Management Agency ng Nigeria, nakitang lumapit sa karamihan ng tao ang isang babae saka nito pinasabog ang kanyang sarili.
Bagama’t wala pang umaamin sa naging pag-atake ay hinihinalang nasa likod nito ang rebeldeng Boko Haram na siyang aktibong kumikilos sa naturang bansa.
By Rianne Briones