15 indibidwal, kabilang ang limang buwang sanggol, ang sugatan matapos bumangga sa truck ng basura ang sinakyan nilang jeep sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon.
Ayon sa MMDA, pumalya umano ang preno ng driver habang binabagtas ang EDSA-San Juan.
Naisugod naman sa East Avenue Medical Center ang mga biktima.
Sinisilip na sa CCTV footage kung sino sa jeepney driver at truck driver ang may kasalanan at posibleng maharap sa patong-patong na kaso. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla