Inaasahang darating sa Enero ng susunod na taon ang unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, 15 milyong doses ng Pfizer vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa nasabing age group.
Pinayuhan naman ng Department of Health (DOH) ang mga LGUs na hintayin ang guidelines sa pagbibigay ng bakuna, maging ang petsa kung kailan ito maaaring umpisahan.
Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng naturang bakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11.