Nasabat ng Bureau of Customs o BOC sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang 15 milyong pisong halaga ng gamit na mga cellphone at accessories mula sa Korea.
Ayon sa Customs, pawang mga second-hand ang mga ito at walang permit mula sa National Telecommunications Commission o NTC.
Paliwanag naman ng NTC, hindi talaga sila nagbibigay ng permit sa mga gamit na cellphones na layong ipasok sa bansa at ibenta, maliban na lamang kung ito ay “personal use” o ibibigay bilang regalo sa kamag-anak.
Ito anila ay para sa kaligtasan, seguridad at proteksyon ng kapakanan ng mga manufacturers.