Inaprubahan na ng United Nations Security Council ang paglikha ng isang investigative upang mangalap at ingatan ang mga ebidensya sa Iraq.
Ito’y may kaugnayan sa mga paglabag ng ISIS o Islamic State tulad ng war crimes, crimes against humanity o genocide sa nasabing lugar.
Ikinatuwa naman ng mga human rights lawyer na sina Amal Clooney at Nadia Murad ang nasabing development dahil mabibigyan na ng hustisya ang mga biktima ng digmaan sa Iraq.
Umaasa silang magiging simula na ito ng pagkakamit ng hustisya ng iba pang mga biktima ng digmaan sa gitnang silangan na kinubkob at sinalakay ng mga grupong radikal sa relihiyong Islam.
—-