Nasagip ng Philippine Coastguard (PCG) North Luzon ang 15 mangingisda mataos tumaob ang kanilang sinasakyang fishing vessel sa Infanta Quezon.
Ayon kay Commodore Gene Basilio, District Commander ng PCG, halos 5 araw nagpalutang-lutang sa laot ang mga mangingisda na tinangay na ng alon sa bahagi ng Agno, Pangasinan.
Inabutan aniya ang mga mangingisda ng masamang panahon sa laot.
Nakahingi umano ng tulong ang dalawa sa mga mangingisda gamit ang service boat ng fishing vessel para makabalik sa Infanta.
Umapela naman ang PCG sa mga mangingisda sa mga lugar na nakataas ang gale warning na huwag nang piliting lumaot para makaiwas sa sakuna sa dagat.