Ligtas na ang labinlimang manginngisda na naiulat na nawawala sa karagtang sakop ng Bato, Catanduanes.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, nasagip ng Philippine Coast Guard ang mga naturang mangingisda matapos hindi na nakabalik simula noong pumalaot ng linggo ng madaling araw.
Pinilit umano ng mga tripulante na makarating ng dalampasigan nang may monitor na Low Pressure Area o LPA na nakapasok sa bansa ngunit sa kasamaang palad ay hinamapas sila ng malalaking alon na nagpataob ng kanilang bangkang sinasakyan.
—-