Bumaba na 7 ang bilang ng mga nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Jolina sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay makaraang masagip na ang may 20 indibiduwal sa kasagsagan ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, kasama na sa mga nasagip ang 15 mangingisda sa Masbate gayundin ang 5 mangingisda sa Catbalogan, Samar.
Ngunit nilinaw ni Timbal na sa 7 nawawala, 4 dito ang kumpirmado habang nasa ilalim pa ng beripikasyon at validation ang 3 iba pa.
Nananatili naman sa 3 ang naitalang nasawi kung saan, 1 ang kumpirmado habang for validation pa ang 2 habang 16 naman ang kumpirmadong sugatan sa bagyo.
Nasa 28,444 pamilya o katumbas ng 109,680 indibiduwal naman ang apektado ng bagyong Jolina sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern at Western Visayas gayundin sa SOCCSKSARGEN at Metro Manila.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)