Nareskyu ng mga otoridad ang 15 menor de edad na biktima ng Cybersex sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa mga otoridad naaresto ang dalawang Sex traffickers matapos magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP – NCRPO).
Nanguna sa operasyon sina DILG secretary Benjamin Abalos, Jr., at NCRPO chief BGEN. Jonnel Estomo kung saan ang mga naarestong suspek at nareskyung biktima ay dinala muna pansamantala sa Women and Children Protection Center para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Dahil dito, umapela si Abalos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) maging sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipagtulungan sa kanilang ahensya para malabanan ang Cybercrimes, partikular na ang Cyberpornography.
Bukod pa dito, nanawagan din ang kalihim sa publiko na agad isumbong sa kanilang hotline, kung mayroong hinihinalang aktibidad o mga Child Predators sa kanilang lugar.