Labing limang militante ang nasawi matapos ang dalawang beses na US airstrike sa Hirshabelle State Somalia.
Sa pahayag ng US Military sa Africa, nagkasa sila ng two “collective self-defense” strikes laban sa naturang grupo bunsod na rin ng kahilingan ng Federal Government ng Somalia at bilang pagpapakita ng suporta sa Somali National Army Forces.
Layunin nitong matigil na ang pagsasagawa ng ibat-ibang kaguluhan na kinasasangkutan ng mga militanteng grupo.
Nabatid na sa unang airstrike, pitong militante ang naitalang nasawi at walo naman sa pangalawang airstrike habang sugatan naman ang iba pa.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga military forces sa nabanggit na lugar.