Pinatay ng Colombian Security Forces ang 15 miyembro ng Clan Del Golfo o mas kilala bilang gaitanist self-defense forces sa Colombia na dating kilala sa tawag na Los Urabeños at Clan Úsuga.
Ang 15 miyembrong nasawi ay isang organisasyong kriminal na konektado sa drug trafficking at illegal mining.
Naganap ang operasyon sa isang rural zone ng Munisipalidad ng Ituango sa lalawigan ng Antioquia ng Colombia kung saan, isinasagawa ang paglilinang ng Coca na pangunahing sangkap sa Cocaine.
Ayon sa mga otoridad, ang Clan Del Golfo ay binubuo ng mga dating Far-right para-militaries na bumalik sa buhay krimen matapos ang isang kasunduan para sa kapayapaan ng kanilang bansa.
Napag-alaman na nakikipag-alyansa ito sa 5 International Organized Crime Groups para sa pamamahagi ng 20 tonelada ng cocaine kada buwan.
Matatandaang inaresto ng mga Security Forces ang lider ng Clan Del Golfo na si Dairo Antonio usuga o mas kilala bilang Otoniel na inakusahan bilang Most important drug trafficker sa Colombia. —sa panulat ni Angelica Doctolero