Lumarga na ngayong araw na ito ang labinlimang (15) bagong pampasaherong jeep na bahagi ng PUV modernization program.
Ang mga nasabing modern jeep ay may biyaheng Star City/CPP patungong PICC at GSIS/Senate patungong MOA hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange.
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, dalawampu pang modern jeep ang tiyak nang magbabiyahe sa susunod na buwan.
Kahapon inilunsad ng DOTr ang modern jeeps kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at mga pinuno ng Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III.
—-