Itinaas na ang signal no.1 sa buong Metro Manila at 15 lugar sa bansa matapos na mapanatili ni tropical depression Quinta ang kanyang lakas habang patungo sa Bicol region.
Ayon sa PAGASA, ilan sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1 ay ang Catanduanes, Sorsogon, Albay, northern portion ng Masbate na kinabibilangan ng Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang, kasama na ang Burias at ticao Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon, Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, Metro Manila, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
Namataan naman ang sentro ni bagyong Quinta, 505 kilometers Eastern part ng Juban, Sorsogon na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos si Quinta pakanluran sa bilis na 20 kph.
Base sa pagtaya ng PAGASA, posibleng tumama sa Bicol region si Quinta, ngayong linggo o bukas ng umaga, araw ng lunes.
Habang inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, Martes ng umaga o hapon.