15 indibidwal ang nasawi makaraang malunod ang mga ito nang tahakin ang isang binahang daan patungo sa isang buddhist temple sa Myanmar.
Nangyari ang trahedya nang subukan ng libo libong worshippers na tawirin ang kyeik hne pagoda sa bayan ng Thanbyuzayat sa Southern Mon State.
May lapad na apat na metro ang binahang causeway subalit dahil sa malalakasna alon ay nalunod ang mga ito.
Sinabi ng isang emergency responder sa lugar na bukod sa mga nasawi ay tatlo katao pa ang nawawala. —sa panulat ni Hya Ludivico